Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Metro
2 tiklo sa 102K shabu
Melnie Ragasa Jimena
Jan 7, 2023
270
Views
ARESTADO ang isang lalaki at isang babae na nagbenta umano ng shabu sa isang pulis sa Quezon City umaga ng Enero 6.
Kinilala ni Novaliches Police Station (PS 4) station commander PLTCOL Jerry Castillo ang mga suspek na sina Jonathan Bautista, 42-anyos, residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, at Maria Andrea Dimayuga, 37-taong gulang, at ng Brgy. Tibagan, San Juan City.
Nagsagawa umano ng buy-bust operation ang pulisya at nakabili ng P12,5000 halaga ng shabu ang police poseur buyer sa mga suspek alas-7:30 ng umaga sa tapat ng Mercury Drug sa kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Nang maaresto ay narekober umano sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
QCPD director na-promote
Apr 2, 2025
Tsuper binaril ng malapitan sa mukha, todas
Apr 2, 2025