Shabu

2 tiklo sa P480,000 shabu sa Olongapo

Bernard Galang Jul 28, 2025
263 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Dalawa ang naaresto ng mga pulis sa checkpoint noong Linggo may dalang P487,000 na halaga ng shabu sa Olongapo City.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nakilala ang dalawang suspek na nahuli na sina alyas Vin at She.

Na-flagdown ang dalawang suspek na sakay ng motor dahil sa hindi pagsusuot ng helmet pero nagpakita ng senyales ng pagtutol ang mga suspek kaya nagsagawa ng protective frisk ang mga pulis na humantong sa pagkakadiskubre ng 71.66 na gramo ng shabu na nasa P487,288 ang halaga.

Inaresto ang dalawa at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act), Disobedience Upon an Agent of a Person in Authority at Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Penones ang mabilis na pagtugon ng mga operating personnel sa pagtutol ng dalawa na ma-inspeksyon sa checkpoint.