2 tiklo sa tangkang pagnenok sa laman ng delivery van

20 Views

ARESTADO ang dalawang pinaghihinalaang kawatan na mga delivery van ang target tirahin sa Quezon City noong Miyerkules.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Cabildo, 40, at Cazz Axl Samonte, 43, ayon sa report.

Batay sa ulat, alas-12:05 ng tanghali minamaneho ng mga biktimang sina Rogelio Balza at Bernie Mondejar ang FedEx delivery vehicle na Isuzu van sa D. Tuazon St. sa Brgy. Maharlika, Quezon City nang palihim na sumakay ang mga suspek sa sasakyan.

Binuksan umano ng mga suspek ang pinto sa likod ng van at saka tinangay ang mga mahahalagang bagay na nagkakahalaga ng P111,709.44.

Matapos ireport ang pagnanakaw, nagsagawa ng follow-up ang La Loma police na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Ferdinand Casiano na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek sa Navotas City bandang alas-11:00 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang mga ninakaw na kagamitan na nagkakahalaga ng P111,709.44 na kinabibilangan ng iba’t-ibang FedEx parcels.

Sasampahan ng kasong theft ang mga suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.