QCPD Source: QCPD

2 todas, 16 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

42 Views

DALAWA ang patay at 16 ang sugatan sa karambola ng pampasaherong jeep, kotse at modern jeepney noong Linggo sa Commonwealth Ave. Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, nangyari ang insidente bandang alas-7:00 ng umaga sa Commonwealth Ave. patungong Fairview.

Mabilis at pagewang-gewang umano ang takbo ng jeep na mula PHILCOA at patungo ng Jordan Plains.

Kasunod nito, bumaligtad ang pampasaherong jeep na bumangga sa isang kotse at isang modern jeepney.

Sa kumpirmasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, mga pasahero ng traditional jeepney ang nasawi.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng traditional jeepney.

Nagdulot ng matinding pagsisikip ng trapik sa Commonwealth Avenue ang insidente.