Calendar

2 vlogger na hinihinalag pro-China tinukoy ni Tarriela
DIREKTANG pinangalanan ni Philippine Coast Guard spokesman Commodore Jay Tarriela ang dalawang vlogger na PIilipino na nagpapakalat umano ng naratibo ng China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Sa pagdinig ng House Tri-Committee noong Huwebes, inusisa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Tarriela tungkol sa mga vlogger na nagpapalaganap ng naratibo ng China ukol sa WPS.
“I perfectly understand if some of the Filipinos would support a local candidate at that, I would perfectly understand kung merong pinapanigan na mga Pilipino rin, pero kung pumanig ka sa China at tinulak mo ang naratibo ng China eh hindi na politika ‘yun, pagtraydor na ‘yun sa ating bayan,” ani Barbers.
Muling tinanong ni Barbers si Tarriela kung sinu-sino ang tinutukoy nitong mga vlogger na itinutulak ang naratibo ng China sa isyu ng WPS.
Tinukoy ni Tarriela ang mga vlogger na kanyang inilarawan bilang mga nagpapalaganap ng mga kontra sa katotohanan ng inilalahad ng gobyerno ng Pilipinas sa ating laban sa WPS.