Slasher World Cup World Slasher Cup 2

2 wagi sa 2024 World Slasher Cup 2

198 Views
Mulawin
Mulawin

GITT Tonio

DALAWANG entries ang tinanghal na kampeon sa ikalawang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby na ginanap sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Parehong kampeon ang Mulawin entry ni Frank Berin at ang combined entry nina Mike Romulo at Owen Medina (GITT Tonio) matapos makapagtala ng tig-walong panalo at isang talo sa pagtatapos ng huling round ng nasabing torneo.

Runner-up naman ang combined entry nina Joemarie Bantillo/Nico Rodelas/Rey Arenas (Winstar & Company) makaraang makasungkit ng pitong panalo, isang talo at isang tabla.

Samantala, mayroon naman tig-pitong panalo at dalawng talo sina Rey Briones/Tony Kho, Dicky Lim/Darryl Andrew Lim, Jessie Viceo, Patrick Antonio/Bebot Uy, Biboy Enriquez, Balong/RSF, at Presley De Jesus sa pagtatapos ng laban.

Mayroon naman anim na panalo, dalawang talo at isang tabla si Conrad Siochi, habang mayroon naman tig-anim na panalo at tatlong talo sina Raymond Dela Cruz, Dante Eslabon/Matt

Hachuella, James Rabano/Boy Jimenez, Bulldog, Pulong Duterte/JD, at JJC/Carrie Chua.

Nasa 165 entries mula sa mga bigating sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang sumali para sa ikalawang edisyon ng World Slasher Cup ngayong taon mula Mayo 22 hanggang Mayo 28.

Naganap ang unang palaban sa Smart Araneta Coliseum noong 1963, ang World Slasher Cup ay ang pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong international cock derby kung saan hindi lamang mga pinakamagagaling na breeder at sabungero mula sa Pilipinas ang lumalahok dito kundi pati na rin galing sa ibang bansa.