Fernandez

20% discount para sa senior citizens dahil sa traffic violations iminungkahi

Mar Rodriguez Oct 7, 2022
207 Views

BAGAMA’T hindi maa-absuwelto sa anumang traffic violations ang mga senior citizens sakaling makagawa sila ng paglabag. Subalit iminumungkahi naman ng isang kongresista na mabigyan sila ng 20% discount sa penalty o multa na kailangan nilang bayaran kaugnay nito.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 5402 na isinulong ni Santa Rosa City Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez sa Kamara de Representantes na naglalayong mabigyan ng 20% discount ang driver na senior citizens sa anumang traffic violations na malalabag nila.

Ipinaliwanag ni Fernandez na nakatakdang amiyendahan ng kaniyang panukalang batas ang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act upang lalo pang palawigin ang insentibo sa mga matatatanda.

Isinulong ni Fernandez, Chairman ng House Committee on Public Order and Safety, ang kaniyang panukalang batas kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa Elderly Filipino Week mula October 1 hanggang 7.

“In furtherance of the laudable Filipino consciousness that our elderlies still have much to contribute to nation-building, this Bill further accords our senior citizen drivers the privilege of enjoying a discount of 20 percent on traffic fines that may be imposed upon them,” ayon kay Fernandez.

Sinabi pa ng mambabatas na bagama’t may katandaan na ang ilan sa mga public utility divers tulad ng jeep at taxi. Subalit nananatili parin nagmamaneho ang mga senior citizen drivers.

“Kahit matatanda na sila pero kumakayod parin. Kaya nga humahanga tayo sa mga senior citizen drivers dahil sa kanilang pagpupursigi na kumita sa kabila ng kanilang katandaan,” dagdag pa ng kongresista.