20 mayor, 9 opisyal ng Bohol sumali sa Lakas-CMD

70 Views

DALAWAMPUNG mayors at siyam na iba pang opisyal sa Bohol ang sumali sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking political party sa Kongreso.

Pinangasiwaan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, ang panunumpa ng mga bagong miyembro noong Miyerkules.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ikinatutuwa niya ang desisyon ng mga bagong miyembro na lumipat sa Lakas-CMD.

“With this decision, you share our support for President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. and his aspirations for a progressive Philippines and his Bagong Pilipinas programs,” sabi ni Speaker Romualdez.

Kabilang sa mga sumali sa Lakas-CMD sina Mayor Constantino Reyes ng Ubay, Janette Garcia (Talibon), Cary Camacho (Getafe), Dave Duallo (Buenavista), Eugeniano Ibarra (Clarin), Restituto Suarez lll (Sagbayan), Diosdado Gementiza (San Isidro), Jose Cepedoza (Danao), Hilario Ayuban (Loay), Randolph Ang (Dimiao), Dionesio Neil Balite (Valencia), Filadelfo Jess Baja III (Garcia Hernandez), Al Taculad (Duero), Albino Balo (Guindulman), Angelina Simacio (Anda), Conchita Toribio de los Reyes (Carmen), Norman Palacio (Bilar), Raymond Jala (Loboc), Onjie Grace Lim (Mabini) at Wilson Pajo (Pilar).

Kasama nilang nanumpa sina Vice Mayors Faustino Bulaga (mayoral candidate) ng San Miguel, Fernando Erio (mayoral candidate) ng Trinidad, Simplicio Maestrado (mayoralty candidate) ng Sierra Bullones, Teofisto Pagar ng Jagna, at Zeniza Bulalaque (mayoralty candidate) ng Batuan.

Nanumpa rin sina Councilors John Felix Garcia (mayoral candidate) ng Bien Unido at Marciano Aruban (mayoral candidate) ng Alicia, dating mayor Sofronio Apat (mayoral candidate) ng Dagohoy at Dexter Ancla, tatakbo sa pagka-mayor ng Alicia.

Sinaksihan nina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Agusan del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino, Bohol 2nd District Rep. Maria Vanessa Cardona-Aumentado at Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexei Tutor ang panunumpa.