ivan

200B Estate Tax Deficiency ng mga Marcos, malayo sa katotohanan.

Ivan Samson Mar 19, 2022
329 Views

NAGING ulo ng mga balita ngayon ang Estate Tax deficiency or pagkukulang sa bayaring tax ng mga Marcos na umaabot umano sa P200 bilyon.

Ang Pilipinas ay mawawalan umano ng higit sa P200 bilyon sa mga buwis na ipinapataw sa estate or mga naiwang ari-arian ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos kung ang kanyang pamilya ay bumalik sa kapangyarihan sa pamamagitan ng Eleksyon 2022 ayon isa sa mga kanyang kalaban sa pagkapresidente.

Ano nga ba ang Estate Tax? Ang Estate Tax ay isang buwis na ipinapataw kapalit ng pribilehiyo or karapatan ng isang namatay na tao upang maipadala at mailipat ang kanyang ari-arian sa kanyang mga ligal na tagapagmana, ang paglilipat ng ari-arian at benipisyo sa oras ng kamatayan, na ginawa ng batas bilang katumbas ng huling habilin.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagpadala ng isang nakasulat na kahilingan (written demand) sa pamilyang Marcos noong Disyembre 2021 upang mabayaran ang kanilang pananagutan sa buwis sa ari-arian.

Ano nga ba ang basehan ng P200B na pagkalkula o komputasyong ito? Ang P23-bilyong buwis sa estate ay umabot sa P203.8 bilyon dahil sa mga interes at parusa matapos tumanggi ang mga Marcos na bayaran, ayon sa kompyutasyon ni retiradong Korte Suprema Hukom ng na si Antonio T. Carpio sa isang kolum noong Septyembre 30, 2021 sa Philippine Daily Inquirer. Tama ba na maging basehan ng kompyutasyon ang isang kolum?

Ayon sa PCGG, sinuri ng BIR noong 1991 ang estate ni Ferdinand Marcos na umaabot ng P23.29 bilyon sa mga buwis. Samantalang umaanot naman sa P184.16 milyon sa hindi bayad na buwis sa kita o income tax ni Mr. Marcos at ang kanyang asawang si Imelda para sa 1985 at 1986, at P20,410 sa hindi bayad na buwis sa kita laban sa diktador para sa 1982 hanggang 1985.

Subalit maaring bayad na ang Estate Tax Deficiency na ito o mali ang tax base na ginamit para makuha sa 200B sapagkat noong 1993, ang BIR ay kinuha at ibinenta ang 11 na mga pag-aari ng Marcos sa Tacloban matapos mabigo ang pamilya na mag-file ng isang protesta sa administratibo.

Kung kinuha na pala ng gobyerno ang mga lupaing ito noong 1993, dapat itong ibawas sa tax base at maaring ito ang naging pambayad sa sinasabing pagkukulang sa estate tax ni Presidente Ferdinand Marcos.

Ano nga ba ang basehan ng mga balitang ito? Napapasunod ba ng isang kolum ang ating BIR? Kulang ba sa pagsisiyasat ang mga kalabang kandidato ni Pres. aspirant BBM? Ating itong alamin at tuklasin sa mga susunod at parating na impormasyon at balita. Bistado!