Martin2

2023 budget mahalaga para maabot prosperity agenda

230 Views

MAGIGING mahalaga umano ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023 upang mailatag at maipatupad ang Agenda for Prosperity ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez ang agenda ng administrasyon ay maparami ang trabaho, mapalakas ang aktibidad ng ekonomiya, at mapataas ang kita ng mga Pilipino.

“It is the most important and potent tool the President, his economic team and the entire government can use to accomplish the goals of the prosperity roadmap,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na pinag-aralan ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang badyet upang masiguro na magagamit ito ng tama at maipapasa sa oras.

“As far as I can remember, the 2023 budget is one of the few spending bills signed into law in mid-December, way before the start of its implementation on New Year’s Day,” ani Romualdez.

Nagpasalamat si Romualdez sa mga kongresista, senador, at mga opisyal ng Executive branch upang mapaganda ang panukalang budget na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging batas.