Martin2

2024 budget bill, prayoridad na panukala tatapusin ng Kamara bago matapos ang taon—Speaker Romualdez

161 Views

KUMPIYANSA si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na matatapos ng Kamara de Representantes ang panukalang 2024 national budget at ang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos bago matapos ang taon.

Ayon kay Speaker Romualdez hindi magaaksaya ng oras at agad na pagtutuunan ng pansin ng Kamara ang panukalang P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program gayundin ang natitirang priority measures na napagkasunduan sa ikalawang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“Mas lalong magta-trabaho ang inyong Kamara de Representantes sa pagbubukas ng 2nd Regular Session nitong kasalukuyang buwan na ating sisimulan sa SONA ng ating Pangulong Marcos,” saad ni Romualdez.

“With our firm commitment to approve the remaining priority measures agreed upon during the LEDAC meetings, various House panels will continue working during committee deliberations of the proposed 2024 NEP,” sabi ng lider ng Kamara.

“When the House starts Plenary deliberations of the national budget, some committees may be authorized to pursue the performance of its mandate of passing vital pieces of legislation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez

Siniguro naman ni Speaker Romualdez na maghihimay ng mabuti ang mga panukala bago ito aprubahan.

“If members of the House of Representatives will work with the same passion and vigor they exhibited during the First Regular Session, I have no doubt that we can do better this time around,” paglalahad ni Romualdez

Sa unang sampung buwan ng 19th Congress ay natalakay ng Kapulungan ang kabuuang 9,600 measures; 8,490 dito ang panukalang batas, 1,109 na resolusyon at isang petisyon o katumbas ng 30 measures kada session day.

Napagtibay din nila sa ikatlo at huling pagbasa ang 33 sa 42priority measure ni Pang. Marcos at ng LEDAC, na bahagi ng 577 panukala na inaprubahan kasama na ang P5.268 trillion 2023 national budget.

Sa pagbubukas naman ng 2nd Regular Session sa Hulyo 24 ay agad tatrabahuhin ng Kamara ng P5.768 trillion budget para sa susunod na taon at ang 20 LEDAC pet bills.

Handa aniya ang Kamara na pagbutihin ang kanilang sistema at proseso upang makapagpasa ng mga panukala at resolusyon gaya noong 1st regular session habang ginagampanan din ang kanilang oversight function.

“Processes and systems can always be improved. I believe there are still better ways we can perform our mandate of legislation without sacrificing the quality of our work,” sabi ni Speaker Romualdez.