Calendar
2,094 mula sa 3,370 examinees pumasa sa License Exam para sa mga arkitekto
UMABOT sa 2,094 ang bagong architects ng bansa matapos pumasa sa Licensure Examination for Architects nitong Hunyo 11-13, 2024.
Ang mga miyembro ng Board of Architecture na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Arch. Robert Sac, chair; at Arch. Robert Mirafuente at Arch. Corazon Fabia-Tandoc, mga miyembro.
Isinagawa sa mga testing centers sa N.C.R., Baguio, Cebu, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga ang naturang exam.
Pumalo sa 62.14 percent ang passing rate dahil sa 2,094 ang pumasa mula sa 3,370 na examinees.
Nanguna sa naturang exam si Louie Nathaniel Kiu mula sa De La Salle – College of Saint Benilde, na nakakuha ng 83.80 percent.
Samantala, nasungkit naman ng Polytechnic University of the Philippine – Main Campus ang pinakamataas na passing rate โ 56 mula sa 60 examinees ang nakapasa o 93.33 percent.
Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1-kgVz6RG7nXpcYvuS-zP4bRTp_oKAIo-/view.