BBM2

$22.8B investment pledge ng Chinese businessmen sa PH

195 Views

UMABOT sa $22.8 bilyon ang nasungkit na investment pledge ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita nito sa China.

Kasama sa mga ito ang pamumuhunan sa agribusiness, renewable energy, at strategic monitoring gaya ng electric vehicle at pagproseso ng mga mineral.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga negosyante, kinilala nito ang kanilang kontribusyon ng kanilang mga kompanya sa Pilipinas.

Nagpasalamat din si Marcos sa intensyon ng mga negosyante na mamuhunan sa produksyon ng kopra at durian na makalilikha umano ng mapapasukang trabaho.

“I assure you that our government is committed to support your business activities in the country,” sabi ni Pangulong Marcos.

Hinimok din ng Pangulo ang mga negosyante na mamuhunan sa green technology.