22-anyos na kelot pinagtulungang saksakin ng 5 suspek, tigok

35 Views

PINAGHAHANAP ng pulisya ang limang suspek na pinagtulungan umanong saksakin ang isang 22-anyos na binata nitong Huwebes ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Orlan Martillosa Ocampo, 22, binata, at nakatira sa Brgy. Payatas-B, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes (November 21), nang maganap ang insidente sa kanto ng Alley 1 at Bulacan Sts., sa Brgy. Payatas-B, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Bennette Stephen B. Lladoc, nilapitan umano ng lasing na biktima ang grupo ng mga suspek at kalaunan ay nakitang nagtatalo na ang mga ito.

Sa gitna ng pagtatalo, pinagtulungan ng mga suspek ang biktima na pagsasaksakin hanggang sa duguan itong bumagsak.

Matapos ay agad na nagpulasan sa ibat ibang direksiyon ang limang suspek, dalawa umano sa kanila ay pawang kapitahay ng biktima.

Isinugod ng mga kaanak sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay alas 5:45 ng madaling araw, ayon kay Dr. Israel U. Sajise.

Lumalabas sa cursory examination na nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima.