$23.6B investment pledges nasungkit sa mga biyahe abroad ni PBBM

186 Views

SA kanyang pagpunta sa ibang bansa, nakasungkit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kabuuang $23.6 bilyong halaga ng investment pledges.

Ayon sa yearend report ng Department of Trade and Industry (DTI), sinabi nito na nagamit ng Pangulo ang kanyang mga biyahe sa Indonesia, Singapore, Estados Unidos, Cambodia, at Thailand upang makapaghikayat ng mga mamumuhunan na kailangan ng bansa upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.

Iniulat din ng DTI na ang Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay nakapag-aprub ng P402 bilyong halaga ng investment na makalilikha ng 54,217 trabaho sa bansa.