Drioga

235 suspek sa Calabarzon swak sa kulungan, P5.4M drugs nasamsam

106 Views

Carolina2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Diretso sa kulungan ang 235 indibidwal matapos maaresto at makasamsam ng mahigit P5.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa sunod-sunod na raid sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Sa ulat ni Police Regional Office 4A director PBGen. Dominic L. Baccay sa loob lamang ng isang linggong “one-time, big-time” na operasyon na nagmula noong Oktubre 12 hanggang 18, 2026, ay pumalo na sa 202 drug operation ang nailatag ng mga awtoridad.

Nasalipop ng mga pulis ang halos nasa 800 gramo ng hinihinalang shabu at 40 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang ₱5,432,398 batay sa kalkulasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ipinagmalaki ni PBGen Baccay na matagumpay ang kanilang pananalasa laban sa mga kriminal dahil sa pinaigting na B.E.S.T. Policing Framework (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust).

Kasalukuyang nakakarsel na ang mga naarestong suspek sa iba’t-ibang istasyon ng pulisya at nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso habang patuloy pa ang paggiba ng PRO 4A sa mga natitirang grupo ng sindikato ng droga sa rehiyon.