Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025
Reporma sa insurance system nararapat na–LCSP
May 11, 2025
Focus muna sa career, iwas sa bad vibes
May 11, 2025
Calendar

Provincial
25-anyos timbog sa Ecija sa kasong violence vs women
Steve A. Gosuico
Jan 3, 2025
250
Views
TALAVERA, Nueva Ecija–Nasakote ng mga pulis ang pinaghahanap na suspek sa tatlong bilang na kaso ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 noong Huwebes.
Ang pag-aresto sa 25-anyos na suspek isinagawa batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 88 sa Brgy. Baloc, Santo Domingo.
May inirekomendang P144,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado, ayon sa report.
Nakakulong sa bayang ito ngayon ang suspek.
“Hinihikayat namin ang lahat ng Novo Ecijano na iwasang makisali sa mga ilegal na aktibidad at laging sumunod sa batas,” sabi ni Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino.
Money ban ops 1 nalambat
May 11, 2025
Pampanga cops rumemate; 8 arestado
May 10, 2025