Isko

26,000 PAMILYANG MANILEÑO NABIYAYAAN NG NOCHE BUENA FOOD BOXES

Jon-jon Reyes Dec 15, 2025
181 Views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno at Vice mayor Chie Atienza ang pamimigay ng Noche buena Food boxes sa mahigit 26,000 pamilyang Manileño sa Parola Compound, at Binondo nitong Linggo.

”Gipit man sa pananalapi ang ating siyudad sa kasalukuyan, sinikap pa rin nating maisakatuparan ito. Dahil isa itong tradisyong sinimulan natin sa Maynila halos anim na taon na ang nakalipas upang masiguro na walang magugutom at may maihahanda ang bawat pamilya sa kanilang hapag tuwing Kapaskuhan,” sabi ni Yorme Isko.

Nagpasalamat din ang alkade sa mga Antigong Pulis Maynila na tumulong sa pamamahagi, gayundin sa KAAGAPAY Team na laging maaasahan sa paglilingkod.

Nagpasalamat rin ang mga taga-Maynila sa mga kawani ng Office of the Mayor, Department of Public Services (DPS), Department of Engineering and Public Works (DEPW), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila Police District (MPD) na kahit Linggo ay patuloy na naglilingkod.

”Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan kapag para sa kapakanan ng taumbayan. Maligayang Pasko po sa ating lahat,” ani Yorme Isko.