Punay

3.75M mahihirap na seniors natulungan ng social pension program ng DSWD

194 Views

NATULUNGAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 3.75 milyong senior citizen sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens noong nakaraang taon.

Ayon kay DSWD officer-in-charge at Undersecretary Edu Punay umabot sa P24.64 bilyon ang ginugol ng ahensya sa Social Pension project.

Samantala, umabot naman sa 2 milyong bata ang nagbenepisyo sa Supplemental Feeding Program ng DSWD. Umabot sa P4 bilyon ang ginugol ng ahensya sa programa noong 2022.

Ayon kay Punay nagpapatupad ang administrasyon ng proactive policy sa pagresponde sa mga kalamidad at nagpapadala na ng mga relief item bago pa man dumating ang inaasahang kalamidad partikiular ang mga bagyo.

“So, ngayon talagang very swift, very fast iyong ating disaster response – within 24 hours from the time of the calamity hit a locality we’re able to deliver iyong mga needed relief items – mga family food packs, nandiyan iyong mga hygiene kits, iyong mga modular tents natin,” dagdag pa ni Punay.

Noong nakaraang taon ay nakapagbigay ng emergency assistance ang ahensya sa 65,000 pamilya, at 402,000 pamilya naman ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng cash-for-work program.