Arestado

3 arestado sa pagnakaw ng P47,750 halaman sa Jaen

Steve A. Gosuico Sep 1, 2024
32 Views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nasakote noong Sabado ng mga pulis ang tatlong pinaniniwalaang nagnenok ng fruit-bearing trees at halu-halong halaman sa Jaen, Nueva Ecija na nagkakahalaga ng P47,750.

Nirespondehan ng mga pulis ang pagnanakaw sa MHS Farm sa Purok 6, Brgy. San Mariano na pag-aari ni Mario Henry Soriano, 32.

Nasakote ang dalawa sa kanyang mga tauhan–isang 32-anyos at 34-anyos–na siyang tinuturong nangnenok ng mga halaman at isang kasabwat, ayon sa mga pulis.

Isang hindi pa pinangalanang kasabwat ng dalawa ang natiklo din.

Sinabi ni Maj. Ricardo Salomon, hepe ng Jaen police, na dinakip ng kanyang mga tauhan, sa pangunguna ni P/Captain Jessie Dulay, ang mga suspek matapos silang matunton sa bahay ng isa sa mga suspek sa Purok 7, Brgy. Calabasa, Jaen dakong alas-3:20 ng hapon.

Narekober din sa operasyon ang mga ninakaw na halaman at punong namumunga.