Calendar
3 bagong opisyal ng SRA itinalaga ni PBBM
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng tatlong bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Itinalaga ni Marcos si David John Thaddeus P. Alba bilang acting administrator ng SRA.
Pinalitan ni Alba si dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica, na nagbitiw sa puwesto sa gitna ng kontrobersyal na tangkang pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal na hindi umano otorisado ng Pangulo.
Itinalaga naman bilang miyembro ng Sugar Regulatory Board, ang governing body ng SRA sina Pablo Luis S. Azcona at Ma. Mitzi V. Mangwag.
Si Azcona ang kapalit ni Aurelio Gerardo Valderrama Jr.; at si Mangwag na ang kapalit ni Atty. Roland Beltran.
Ang SRA ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) at attached agency ng Department of Agriculture. Layunin nito na gumawa ng mga polisiya upang mapalakas ang lokal na industriya ng asukal at siya ring nagdedesisyon kung gaano karaming asukal ang aangkatin ng bansa.