Calendar
Nagtulong-tulong ang mga residente na apulahin ang nasusunog na kabahayan sa V. Mapa St., Sta. Mesa Manila kung saan isang senior citizen ang nasawi.
Metro
3 bahay nasunog, lolo todas
Jon-jon Reyes
May 4, 2025
601
Views
PATAY ang 72-anyos na lolo matapos makulong sa nasusunog na bahay sa 3992 interior 20, V. Mapa St., Brgy. 596, Sta. Mesa Manila noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si alyas William.
Batay sa imbestigasyon ni FO3 Michael Cabase, nagmula ang sunog sa 3rd floor ng bahay.
Gawa sa light materials ang tatlong bahay na nasunog na nirespondehan ng 29 na fire trucks.
Rumesponde ang mga tauhan ng V. Mapa Police Community Precinct sa pangunguna ni Police Lieutenant Rolando Morada Jr.
Dakong alas-10:10 ng gabi ng ideklarang fireout ang sunog.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
