Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Provincial
3 boy scouts utas sa jamboree sa Zambo City
Zaida Delos Reyes
Dec 12, 2024
704
Views
TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay at 12 pa ang isinugod sa ospital matapos makuryente habang nagka-camping sa Zamboanga City noong Huwebes.
Naganap ang jamboree sa Abong-Abong park sa Brgy. Pasonanca na dinaluhan ng 2,000 boy scouts mula sa iba’t- ibang high schools at elementary schools.
Ayon sa ulat ng PNP, inililipat ng mga biktima ang kanilang tent sa isang lugar nang aksidenteng tamaan ng isa sa mga metal pipe ang isang live wire na naging dahilan ng pagkaka-kuryente ng mga ito.
Isinugod ang mga biktima sa Zamboanga Medical Center subalit hindi na umabot ng buhay ang tatlo.
Iniutos na ni Mayor John Dalipe ang kanselasyon ng aktibidad na unang itinakda sa December 12-15.
7 wanted sa rape, sex assault kalaboso
Aug 9, 2026
COLLECTION TARGET NILAMPASAN NG PORT OF LIMAY
Aug 9, 2026
Twinning agreement sinelyuhan ng Mabini, Munti
Aug 8, 2026

