Santiago Humarap si NBI Director Jaime Santiago kaugnay sa nahuling tatlong suspek sa pag-eespiya sa bansa na binubuo ng 1 Chinese at 2 Pinoy. Kuha ni JonJon Reyes

3 ‘espiya’ natimbog ng NBI, AFP

Jon-jon Reyes Jan 20, 2025
13 Views

ARESTADO ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese national at dalawang Pilipino na pinaniniwalaang naniniktik sa bansa noong Enero 17 sa Makati City.

Narekober sa dalawang naaresto ang ginamit na Innova na puno ng mga makabagong gamit at umiikot mula sa mga opisina, mga planta ng kuryente at shopping malls.

Ang Chinese na espesyalista umano sa “control engineering” na nagtapos sa unibersidad na kontrolado ng People’s Liberation Army (PLA) ng Chinese Community Party at People’s Republic of China.

“Yung nahuli natin, isang Chinese national na based on our open source intelligence, with assistance from our Armed Forces of the Philippines (AFP), is a graduate [of a university] controlled and operated by the People’s Liberation Army (PLA),” sabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc.

Sinabi naman ni AFP chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., na ang grupo ng nahuli nakaikot na sa mga lugar kung saan matatagpuan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Naniniwala si Brawner na ang pag ispiya ng nasabing Tsino nagsimula na ilang taon na ang lumipas.

“We believe na nagsimula ‘yung espionage ng China even prior to the apprehension of the equipment last year,” ani ni Brawner.

Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, posibleng naipadala na sa mga kasabwat ang mga nakuhang impormasyon at status dahil may remote capability ang gamit na device at system ng tatlong natiklo.

Inihayag pa ni Brawner na una nang nakaaresto sila ng isa pang Chinese national na sakay din ng Innova at katulad din ang ginagawang pag-eespiya.