Calendar

3 nangnenok ng motor, nadakip
NADAKIP ng mga pulis noong Biyernes ang tatlong itinuturong suspek na tumangay sa motorsiklo ng delivery rider sa Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Renzo, 21; Jayson, 26; at Jestoni, 24, na nasakote alas-7:00 ng umaga sa Brgy. Lower Bicutan.
Nagsimulang tugisin ng mga tauhan ng Taguig police substation 7 ang mga suspek makaraang maghain ng reklamo ang delivery rider na si alyas Romeo, 32, dahil nawala ang kanyang motorsiklong ipinarada sa harap ng kanilang bahay noong Huwebes.
Nang isagawa ng pulisya ang backtracking sa kuha ng mga CCTV, katuwang ang Station Investigation and Detection Management Section (SIDMS) natunton ang mga suspek at nabawi ang motorsiklong pag-aari ng biktima.
Kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) ang isasampa sa mga suspek na nakapiit ngayon sa custodial facility ng SIDMS.