Pulis Isinalaysay ni P/Lt. Col. Robert Mupas ang pagkakatimbog sa mga suspek sa Binondo, Manila habang nakamasid sina NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin at MPD Director P/BGen. Benigno Guzman. Kuha ni JONJON C. REYES

3 ‘pekeng’ pulis arestado sa pekeng baril sa Binondo checkpoint

Jon-jon Reyes May 1, 2025
13 Views

NAHULI ang tatlong lalaki na nagpanggap na mga pulis sa checkpoint sa Binondo, Manila noong Lunes.

Nakilala ang tatlong suspek na sina alyas Zoren, 28; Kenjie, 26; at Eduardo, 36.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Ryan Tumanlao, bandang alas-4:30 ng umaga ng masakote ang tatlong suspek sa checkpoint sa Yuchengco St. malapit sa San Vicente St. sa Binondo.

Sa tulong ng hepe ng pulisya sa lugar, namataan ang pulang Mitsubishi Mirage.

Nag-search ang pulisya katuwang ang mga operatiba ng Station Tactical Rider Motorized Unit (STRMU) hanggang sa makitaan ng mga baril ang mga suspek na ang isa dismissed na pulis sa Quezon City at ang isa naman nakuhanan pa ng granada.

Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (usurpation of authority) at Article 179 (illegal use
of uniform or insignia), RA 10591, RA 9516 (Illegal Possession of Explosive).

Pinasalamatan at nina NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin sina MPD District Director Police Brigadier General Benigno Guzman at ang kanyang mga tauhan sa pamumuno ni PLt.Col.Roberto Mupas sa pag aresto sa mga suspek.