Maranan QCPD Director PBGen. Redrico Maranan

3 suspek sa away videoke na nauwi sa pagdedo ng 2 kelot timbgo

63 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong suspek sa pamamaril at pagpatay sa dalawang lalaki sa Brgy. Sauyo noong Martes.

Inihahanda na ang kaso laban kina Ricardo Lucas, Jr., 44; Ernie Tambaoan, 40; at live in partner nito na si Jenny Joy Roldan, 31.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, nahuli ang tatlo sa follow up operations ang mga tauhan ni QCPD Criminal Investigation and Detection Unit chief PMaj. Dondon Llapitan sa pangunguna ni PCapt. Reynandy Tagle .

Tinungo ng mga operatiba ang lugar hanggang sa makatanggap ng impormasyon sa pinagtataguan ng mga suspek sa loob ng Bartskie Apartelle sa Payatas Road, Brgy. Payatas, Quezon City.

Sina Lucas at Tambaoan ang responsable sa pagkamatay ni Pelagio Cabaddu at Cornelio Nuval na barangay tanod.

Si Cabaddu ang unang nasawi, samantalang si Nuval namatay habang ginagamot sa isang ospital. Sugatan din ang isa pang tanod na si Ambrocio Bradecina.

Lumilitaw base sa reklamo ng ilang residente ang mga barangay tanod hinggil sa pag-iingay umano ng mga suspek sa Block 9, Lot 14, Baluyot 2A, Brgy. Sauyo, Quezon City, bandang alas-10:30 ng gabi noong Martes.

Sinita ng mga tanod ang mga suspek na diumano ay nag videoke saka bumalik sa barangay satellite office.

Ikinagalit ng mga suspek ang paninita kaya napagdiskitahan ni Tamabaoan ang pamangkin ni Pelagio na si Angel Cabaddu.

Nakita ni Pelagio ang pananakal ni Tambaoan kay Angel kay sinaklolohan niya ito subalit binaril ito ni Lucas sa likod.

Sumunod namang binaril ni Lucas ang dalawang barangay tanod.

Nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms and ammunition sina Tambaoan at Lucas habang illegal possession of firearms naman si Roldan.