Suspek Ipinapakita ng isang opisyal na pulis ang mga narekober na mga pekeng PWD ID matapos nilang salakayin ang pagawaan nito sa Sta. Cruz, Manila.

3 suspek sa paggawa ng pekeng PWD ID huli

Jon-jon Reyes Feb 6, 2025
14 Views

NATIMBOG ang isang 34-anyos na babae at 2 pang umano’y kasabwat nito ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) matapos mapag alamang gumagawa ng mga pekeng ID ng mga persons with disabilities (PWDs) noong Miyerkules.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Marites, alyas Dogdog at alyas MJ, ayon sa mga pulis.

Natuklasan ng mga pulis na ang mga pekeng PWD IDs may mga pirma ng mga alkalde ng Quezon City, Maynila, Pasig, Muntinlupa, Angat, Bulacan at maging sa Calabarzon.

Umamin ang mga suspek na mula pa noong nakaraang taon gumagawa na sila ng mga pekeng PWD ID at binebenta ng P100 bawat isa o P200 kung idadaan sa fixer.

Ang template ng mga pekeng ID mula mismo sa fixer o kliyente, at kinakopya na lamang nila ang pirma ng mga alkalde upang magmukhang tunay.

Gumagawa rin ang grupo ng pekeng birth certificates, transcript of records at certificate of employment.