Calendar
3 taon na tagu-taguan ng rape suspek nauwi sa kulungan
NAKALAWIT ng mga alagad ng batas ang suspek sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima noong Huwebes sa Caloocan City matapos ang tatlong taong pagtatago.
Dakong alas-2:00 ng hapon ng salakayin ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang bahay ng suspek na si alyas Peter, 44, sa Brgy. 178 at nadakip.
May pabuyang P130,000 sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni alyas Peter.
Bitbit ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng NPD ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan City Family Court Presiding Judge Barbare Aleli Hernandez Briones ng Branch 1 para sa kasong rape at acts of lasciviousness in relation to R.A 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ng dakpin ang akusado.
Nakapiit sa custodial facility ng DSOU si alyas Peter habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.