Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek

3 ‘tulak’ huli ng QCPD

334 Views

ARESTADO ang tatlong drug suspek matapos makipag-transaksyon sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na buy-bust noong Huwebes.

Sa ulat kay QCPD acting director P/Col. Randy Glenn Silvio, nadakip ng Novaliches Police Station 4 ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Mario, 30, at Francis, 39, dakong alas-9:15 ng gabi sa isang fastfood sa may Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches.

Nasamsam sa dalawa ang 19 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P129,200, isang puting pouch, cellular phone, black half-face SEC helmet, Yamaha NMAX motorcycle at marked buy-bust money.

Sa isa pang buy-bust, naaresto ng Galas Police Station 11, sa ilalim ni P/Lt. Col. Joseph Dela Cruz, ang suspek na si alyas Romelio, 37, matapos bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na adik.

Nakumpiska mula sa suspek ang 21 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P142,800.

Ang tatlong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 sa Quezon City Prosecutor’s Office.