Calendar
30-year national infrastructure program pinagtibay na ng Kongreso
INAASAHAN na mas lalo pang mapapa-igting ng kasalukuyang pamahalaan at sa mga susunod na administrasyon ang pagsususlong sa “infrastructure development” ng Pilipinas matapos pagtibayin ng Kongreso ang panukalang batas patungkol sa 30-year national infrastructure program.
Sa pamamagitan ng 254 votes mula sa mayorya ng mga kongresista, tatlo ang tumutol at zero abstention. Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8078, isang consolidated bill, na magbibigay ng tatlong-pung-taong (30) national infrastructure program mula 2023 hanggang 2052.
Sinabi naman ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na layunin ng HB No. 8078 na mailagay sa tamang ayos at perspektiba ang tinatawag na “long-term system” sa pagpo-pondo at pagpapanatili ng mga infrastructure projects na magbibigay ng malaking pakinabang sa publiko.
Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na hindi lamang sinasaklaw ng HB No. 8078 ang mga nakagisnang infrastructure projects tulad ng mga tulay, kalsada, expressways at iba pang kauri nito.
Kundi kasama rin dito ang enerhiya, patubo o water, teknolohiya, information, agri-fisheries at mga gusaling paaraalan.
“This will be an all-encompassing program covering not only public works like roads, bridges and expressways which we commonly refer to as infrastructure. But also energy, water and technology, agri-fisheries, food logistics and socially-oriented structures such as school buildings,” sabi ng House Speaker.
Ayon kay Romualdez, layunin din ng nasabing panukalang batas na lalo pang pag-ibayuhin o ma-institutionalize ang programang “Build Better More” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang suportahan ang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa na makakalikha ng maraming trabaho.
Sa ilalim ng House Bill No. 8078, binibigyan nito ng mandato o mandate ang National Economic and Development Authority (NEDA) para magsagawa ng consultation sa mga concerned agencies ng gobyerno kabilang na ang mga stakeholders upang magbalangkas ng detalyadong 30-year infrastructure programs.