Sunog Inaapula ng mga bumbero ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Sta. Ana, Manila noong Martes. Kuha ni JonJon Reyes

300 nasunog sa Sta Ana dahil sa napabayaang kanila

Jon-jon Reyes Oct 15, 2024
114 Views

SUMIKLAB ang sunog dahil sa umano’y napabayaang kandila at naging abo ang 100 bahay na tinutuluyan ng 300 pamilya sa Onyx St., Sta. Ana, Manila noong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-6:12 ng umaga nagsimula ang sunog.

Dahil sa pawang gawa sa light materials ang mga kahahayan, mabilis kumalat ang apoy at bandang alas-6:45 ng umaga itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog.

Dakong alas-8:46 ng umaga ng idineklarang fireout ang sunog na umabot sa 70 bumbero ang rumesponde.

Walang nasaktan sa sunog at dahil sa masikip na daan nahirapan ang mga pamatay sunog na rumesponde sa lugar.

Inaalam pa ng mga arson investigators ang halaga ng pinsala sa nasabing sunog.