BBM

30M national ID target maipamigay bago matapos ang taon

170 Views

TARGET ng Marcos administration na maipamigay na sa mga may-ari ang may 30 milyong physical card at 20 milyong digital identification card ng Philippine Identification System (PhilSys) bago matapos ang taon.

Sa susunod na taon, nais ng administrasyon na maipamigay na ang 92 milyong ID na magagamit sa mabilis na pakikipagtransaksyon sa gobyerno.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang national ID ay magiging mahalaga umano sa digitalization ng gobyerno.

Sinabi naman ni Marcos na sisiguruhin ng gobyerno na magiging ligtas ang mga datos na kinalap sa pagkuha ng national ID.

Itinulak din ni Marcos ang pagpapalawak ng digital connectivity sa buong bansa sa pamamagitan ng National Broadband Plan at common tower program o “Broadband ng Masa” project.

“All relevant modes of digital transport should be utilized. These may be through a combination of terrestrial or submarine fiber optics, wireless and even satellite technology,” sabi ni Marcos Jr.