Calendar
![Farmers](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Farmers.jpg)
33 farmers’ groups tumanggap ng P76M equipment sa DA
MAHIGIT sa P76 milyong halaga ng mga kagamitan sa pagsasaka ang ibinigay ng Department of Agriculture (DA) sa 33 farmers’ cooperative at association sa Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay DA Undersecretary Christopher Morales, bahagi ang naturang inisyatiba sa pangako ng RCEF Mechanization Program na magbigay ng kalidad na rice machinery sa mga magsasaka ng palay.
Ginanap ang turn-over ng mga makinarya sa PHilMech Central Office in Science City of Muñoz, Nueva Ecija na kung saan nakatanggap ang mga magsasaka mula sa Pampanga ng 14 na four-wheel tractor at 16 na rice combine harvester samantalang pitong rice combine harvester ang ibinigay sa mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.
Binigyang-diin ni Morales ang kahalagahan ng modernong kagamitan upang mapadami hindi lamang ang produksiyon ng mga magsasaka pati na ang kanilang kita.
“Ito pong harvester na ito ay kapaki-pakinabang sa magsasaka, na [magpapabilis] ng trabaho,” ani Eric Sta. Ana, Chairperson ng Lawang Kupang Farmers Agrarian Reform Cooperative at isa mga recipients.
Nagpasalamat din si Rodelio Palma, Chairperson ng Abe-abeng Mag-papale at Mag-mamangga Farmer’s Association Inc. ng Pampangalso sa pagbibigay sa kanila ng mga makinarya at sinabing “malaking tulong po ang mga machineries na ito sa aming mga farmers dahil magagamit po namin ito sa pagtatanim ng palay, mangga at sibuyas.”