Calendar
34 suspek sa krimen tiklo sa mga parak ng PRO-4A
KAMPO PGBEN VICENTE LIM–Patuloy ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Police Regional Office-4A para labanan ang kriminalidad sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa ngayong taon.
Mula alas-6:00 ng umaga ng Oktubre 30 hanggang umaga ng Oktubre 31, 2025, 34 katao ang naaresto dahil sa iligal na droga na nagresulta sa pagkumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P6,504,131.
Sa kampanya laban sa loose firearms, 5 katao ang naaresto at limang armas ang nakumpiska mula sa kanilang pag-aari.
Samantala, 17 pang kriminal ang naaresto at nakakumpiska ng P23,503 mula sa ilegal na sugal.
Binigyang-diin ni PBGen. Paul Kenneth Lucas, director ng PRO-4A, na habang ginugunita ng pangkalahatang publiko ang Undas 2025 upang parangalan ang kanilang mga yumao na mahal sa buhay, nasa heightened alert status ang mga pulis.
“Tiniyak namin sa publiko na kahit na nagpapakalat ng mga tauhan para sa mga tungkulin sa seguridad at kaligtasan ng publiko para sa “Undas 2025,” magpapatuloy sabay-sabay ang mga operasyon ng pagpapatupad ng batas,” dagdag ni Lucas.

