Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
4 bagong EDCA sites tinukoy ng Palasyo
Peoples Taliba Editor
Apr 3, 2023
597
Views
TINUKOY ng Malacañang ang lokasyon ng apat na bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site.
Ito ang Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.
Kumpiyansa ang Malacañang na makatutulong ang mga bagong EDCA site sa pagpapalakas ng disaster response at humanitarian at relief operations sa panahon ng emergency at natural disaster.
Bago ito ay mayroon ng limang EDCA sites sa bansa.
Ngayong buwan ay inaasahan ang pagsasagawa ng military exercise ng Pilipinas at Amerika.

