Batan

4 bagong paliparan planong itayo ng DOTr

194 Views

PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng apat na paliparan sa katimugang bahagi ng bansa.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Planning and Project Development Timothy John Batan pinag-aaralan ng ahensya ang pagtatayo ng paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate, at Bukidnon.

Bukod sa mga ito, sinabi ni Batan na naghahanap din sila ng iba pang probinsya na posibleng pagtayuan ng mga paliparan.

Sinabi ni Batan na nakatuon din ng atensyon ng DOTr sa ginagawang New Manila International Airport sa Bulacan at ang oanukala ng Cavite provincial government na gawing international gateway ang Sangley Airport.

“Ang objective natin diyan ay magkaroon ng mas safe at mas malawak na reach ang ating mga airports at nang tayo ay makapag accommodate nang mas maraming flights at mga pasahero sa ating mga airport,” dagdag pa ni Batan.

Nais din umano ng DOTr na lalong pagandahin ang serbisyo ng mga paliparan sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng biometrics at self check-in kiosks.