Cagayan

4 mangingisda patay, 4 nawawala sa tumaob ng fishing boat sa Sta Ana, Cagayan

Zaida Delos Reyes Sep 23, 2025
246 Views

PATAY ang apat na mangingisda habang nawawala naman ang apat na iba pa matapos na tumaob ang sinasakyang fishing boat nitong Martes ng umaga sa San Vicente, Sta Ana, Cagayan.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard o PCG, anim sa 13 mangingisda na lulan ng fishing boat na “JOBHENZ” ang nailigtas.

Ayon sa PCG hinampas ng magkakasunod na malalakas na alon ang bangka kaya’t nawalan ito ng balanse, tumagilid at tuluyang tumaob.

Sa unang bahagi ng operasyon, apat na mangingisda ang agad na nailigtas at dinala sa Saint Anthony Hospital para sa agarang lunas.

Kasunod nito, narekober ang bangkay ng isa sa mga nasawi habang nagpapatuloy parin ang search and rescue operation para sa mga nawawala.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Sta. Ana Coast Guard Station, Coast Guard Special Operations Group Divers, at Coast Guard Medical Team.