Calendar

4 na suspek inireklamo ng tangkang pagpatay, arestado; 2 nakatakas
NAARESTO ng pulisya ang apat na katao kabilang ang isang Amerikano at live-in partner ng biktimang pinasok ang bahay at tinangkang patayin ng mga ito kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD- CIDU) nangyari ang insidente bandang alas 3 ng hapon nito Lunes sa bahay ng biktima sa Brgy. Batasan Hills.
Dumating ang anim na suspek sa bahay ng biktima kabilang ang live in partner ng biktima.
Sa salaysay ng biktima sa pulisya ay hinalughog umano ng mga suspek ang kuwarto hanggang sa magkaroon ng komosyon.
Isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima subalit nakailag ang huli. Isa pang suspek ang pumukpok sa ulo ng biktima saka mabilis na tumakas.
Ngunit sa isinagawang follow-up operation, agad nadakip ang apat na suspek habang nakatakas ang dalawang iba pa.
Narekober naman ng SOCO team sa pangunguna ni QCPD-FU PMaj. Michael Jabel ang isang basyo ng bala sa crime scene.
Nahaharap ang apat na suspek ay nahaharap sa kasong frustrated murder, trespass to dwelling at grave threat.