PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Source: FB file photo
Provincial
4 na ‘tulak’ dinampot dahil sa shabu, baril sa Batangas
Jojo Cesar Magsombol
Aug 19, 2024
637
Views
APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga ang nahuli ng mga pulis noong Biyernes na may dalang shabu at baril sa Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas.
Dinampot pasado alas-4:55 ng umaga sa buy-bust ng mga tauhan ng Ibaan police sina alyas Gerald, alyas Ian, alyas Airene at alyas Joana.
Nakumpiska sa apat ang 29.4 na gramo ng shabu na may tinatayang presyo na P199,920, buy-bust money, isang caliber .38 revolver, limang bala, limang cellphone, weighing scale, pulang Toyota Vios (NGA 4088) at limang ID.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa kulungang bayan ng Ibaan.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

