Calendar
![BBM2](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/BBM2-4.jpg)
4000 nakinabang sa trabaho sa Bagong Pilipinas ni PBBM
AABOT sa 4,000 na naghahanap ng trabaho ang nakinabang sa Trabaho sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa New City Hall sa Tagum City.
Personal na inaalam ni Pangulong Marcos ang job fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa 28 na employers ag nag-alok ng 4,000 na trabaho.
Karamihan sa mga beneficiaries sa job fair ay mga miyembro ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng DOLE.
Nagbigay naman ng pre-employment documentation ang Department of Trade and Industry (DTI), Pag-IBIG Fund at Social Security System (SSS).
Kasabay ng job fair, naglagay din ng Kadiwa ng Pangulo booths.
Nasa 38 na sellers at buyers ang nakiisa sa Kadiwa ng Pangulo.
Nagbigay din ang DOLE ng cash assistance sa 1,000 TUPAD workers habang ang DSWD naman ay nagbigay ng assistance sa 3,000 graduating Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps beneficiaries.