SWS

48% ng Pinoy mahirap—SWS

177 Views

NAGSABI ang 48 porsyento ng mga Pilipino na sila ay mahirap, batay sa survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS) mula Hunyo 26-29 o bago pumasok ang Marcos administration.

Ito ay katumbas ng 12.2 milyong pamilya.

Ayon sa survey 31 porsyento ang nagsabi na sila ay nasa borderline ng mayaman at mahirap at 21 porsyento naman ang nagsabi na hindi sila mahirap.

Pinakamarami ang nagsabi na sila ay mahirap sa Visayas (64 porsyento) na sinundan ng National Capital Region (41 porsyento), Mindanao (62 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (36 porsyento).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondent na edad 18 pataas. Mayroon iyong sampling error margin na ±2.5 porsyento.

Sa survey noong Abril ang nagsabi na sila ay mahirap ay 43 porsyento (10.9 milyong pamilya) samantalang 34 porsyento ang nasa borderline at 23 porsyento ang nagsabi na hindi sila mahirap.