Ecstacy1

4,891 tableta ng Ecstasy inihalo ng BOC, naharang ng BOC

114 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs’ (BOC) ang pagpasok ng 4,891 Ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P8.314 milyon.

Ang ecstasy na inihalo sa kape ay naharang sa tulong ng mga tauhan ng BOC Port of Clark, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).

Nakita ng mga tauhan ng BOC ang kahina-hinalang laman ng package ng dumaan sa X-ray Inspection Project kaya ipinadaan ito sa K9 inspection ng CAIDTF at PDEA kung saan nakakita ng indikasyon na may lamang iligal na droga ang package.

Sa isinagawang physical examination nakita ang isang kahon ng espresso capsule at tatlong kahon ng coffee bean. Galing ang package sa The Netherlands.

Sumailalim sa chemical analysis ng PDEA ang kinuhang sample at nakumpirma na ito ay Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) na mas kilala na Ecstasy.

Nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment kaugnay ng paglabag sa Sections 1400, 118(g), 119(d), at 1113 paragraphs f, i, at l (3 & 4) ng Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nangako ang BOC, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

“The Bureau of Customs reaffirms its commitment to President Ferdinand Marcos Jr. by remaining vigilant against the importation of illegal drugs and hazardous substances into the country,” sabi ni Commissioner Rubio.