Calendar
5 huling nagdadamo sa sementeryo
TALAVERA, Nueva Ecija–Arestado ang limang lalaki sa bayang ito na nagpa-pot session sa sementeryo noong Linggo.
Kinilala ni Lt. Col. Rogelio L. Pacificar Jr., hepe ng pulis, ang mga naaresto na may edad 57-anyos, 49-anyos, 23-anyos at dalawang 19-anyos.
Nahuli sa akto ang mga suspek habang sumisinghot ng shabu sa loob ng mausoleum sa Maestrang Kikay public cemetery alas-3:30 ng madaling araw.
Narekober sa lugar ang improvised aluminum tooter, aluminum strip, dalawang disposable lighters, isang metal smoking pipe at rolled aluminum foil.
Sa body search, nakumpiska ng mga awtoridad ang isang plastic sachet ng shabu mula sa 49-anyos na suspek at isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana mula sa 23-anyos.
Kakasuhan ang mga nahuli ng paglabag RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

