Romero1

5 panukalang batas na magbibigay ng discount para sa mga pre-employment documents aprubado sa House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez May 17, 2023
138 Views

INIHAYAG noong Martes (May 16) ng House Committee on Poverty Alleviation sa plenaryo ng Kamara de Representantes na ipinasa na nila ang kanilang committee report at “substitute bill” para sa limang panukalang batas na naglalayong tulungan ang mga Pilipinong indigent na naghahanap ng trabaho.

Sinabi ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., chairman ng Committee on Poverty Alleviation, na noong March 28 ay inaprubahan at pumasa na sa kanilang Komite o committee level ang substitute Bill para sa House Bill Nos. 367, 2533, 3488, 3533 at 5792.

Nabatid kay Romero na ang pangunahing layunin ng limang panukalang batas ay tulungan ang mga indigent Filipinos na naghahanap ng trabaho. Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng discount sa mga charges (fees) o sinisingil para sa mga kinukuha nilang “pre-employment” documents.

Ayon kay Romero, kabilang sa mga tinatawag na “pre-employment” documents ay kinabibilangan ng mga clearances mula sa barangay, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga dokumento na “requirement” sa inaalplayan nilang trabaho.

Ipinabatid din ng kongresista na ang mga nasabing ahensiya na nag-iisyu ng clearances ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa limang panukalang batas na nagsabing nakahanda silang magbigay ng 20% discount para mabawasan ang halaga ng mga “pre-employment documents”.

“These measures seek to help the unemployed indigent job seekers by providing discount to fees and charges in the issuance of certain pre-employment documents to name a few. Barangay clearance, PNP clearances, NBI clearances issued by government agencies,” ayon kay Romero.

Tumindig ang mambabatas sa plenaryo ng Kongreso para ipahayag ang kaniyang manipestasyon na: “Please note that the identified government departments and agencies to be affected by these policies manifested all their support by agreeing to grant the said 20% discount to reduce the cause of securing pre-employment documents for indigent job seekers”.

Dahil dito, umaapela si Romero sa kaniyang mga kapwa kongresista upang agad na maipasa ang limang panukalang batas.