Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
5 suspek na tulak laglag sa P2.7M na shabu
Jojo Cesar Magsombol
Jan 20, 2025
429
Views
KAMPO BGGEN Vicente P. Lim, Canlubang Laguna–Limang hinihinalang drug pusher ang nahuli ng mga pulis at nakumpiska ang 400 na gramo ng shabu na may standard na presyong P2.72 sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal noong Linggo.
Kinilala ang mga natiklo na sina alyas Rodney, 27; alyas Melquiadez, 73; alyas Gladys, 45; alyas Jose, 32; at alyas Samuel, 48.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 2 knot-tied na sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 400 gramo at may standard na presyong P2.72 milyon.
Nasamsam din ang dalawang cellphone, isang digital weighing scale, isang brown handbag at buy-bust money.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026
