Calendar
5 suspek sa iba’t-bang krimen natiklo ng QC cops
SINABI ni Quezon City Police District (QCPD) acting District Director P/Col. Melecio Buslig, Jr, ang pagkakaaresto sa limang suspek sa krimen sa bisa ng warrants of arrest sa Quezon City.
Unang naaresto si Nestor Bado, 43, dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Law of 2016.
Sa joint operation ng La loma Police Station sa pamumuno ni PLt. Col. Ferdinand Casiano, naaresto si Renelyn Cajuday, 35, noong November 8 sa Purok 1, Brgy. Hawan Grande, Virac, Catanduanes para sa 18 counts ng paglabag sa BP 22 (Bouncing Checks Law) .
Inaresto naman ng Masambong Police Station 2, sa pamumuno ni PLt. Col. Jewel Nicanor, si Carolyn Aquinde, 46, dakong alas-11:25 ng gabi noong November 8, 2024 sa Tarlac City Jail, Female Dormitory sa Brgy. Baras-Baras, Tarlac dahil sa kasong syndicated estafa.
Arestado din si Jaywin Babor, 42, para sa kasong attempted murder.
Sa isa pang operasyon, natiklo din si Jobert Taller, 33, dahil sa paglabag sa RA 7610.
Pinuri ni Buslig ang mga operatiba ng QCPD dahil sa kanilang pagsisikap upang maaresto ang mga suspek na nabanggit.
“Ipagpatuloy lang natin ang pagpapatupad ng batas at dapat panagutin ang dapat managot. Hindi tayo titigil hangga’t ‘di nahuhuli ang mga may sala at ibigay ang hustisya sa mga biktima,” dagdag niya.