PRC

5 tabla sa top 1 ng respiratory therapists licensure exam

252 Views

LIMANG examinee ang nagtabla sa number 1 spot sa katatapos na respiratory therapists licensure examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 955 sa 1,345 examinee ang pumasa sa pagsusulit na pinangasiwaan ng Board of Respiratory Therapy sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, at Zamboanga.

Nakakuha ng 90.5 porsyento at nagtabla sa top 1 sina Prince Joshua Guzman Carag ng Cagayan State University-Andrews Campus; Elaine Fleur Usman Fino ng Emilio Aguinaldo College-Dasmariñas; Shaira Lynneth Ludovice ng University of Perpetual Help System-Laguna; Hiyasmin Cortez Ramos ng Cagayan State University-Andrews Campus; at Michael Josef Maglantay Ramos ng University of Batangas.

Isinagawa ang pagsusulit noong nakaraang linggo at nailabas ng PRC ang resulta makalipas ang dalawang working day.