Calendar
500,000 pamilyang Pinoy nakaahon na sa kahirapan
AABOT sa 500,000 pamilyang Filipino ang nakaahon na sa kahirapan.
Base ito sa pahayag ng Presidential Communications Office.
Ayon sa PCO, base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nabawasan ang mga mahihirap mula 2021 hanggang 2023.
Nabatid na naitala ang national poverty incidence noong 2023 sa 10.9 percent o katumbas ng 2.99 milyong pamilyang Filipino.
Nanguna ang Region IX (Zamboanga Peninsula) na may pinakamataas na poverty incidence na may 24.2 percent at sinundan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sinundan ng 23.5 percent.
Sa sub-national level, nanguna naman ang National Capital Region na may pinakamababang bilang ng mga mahihirap na mayroon lamang 1.1 percent noong 2023.
Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bawasan ang poverty incidence sa bansa ng 9 percent sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.