Velasco Sinasagot nina House Secretary General Reginald Velasco at Office of the Secretary General (OSG) Director Arnold de Castro ang mga tanong mula sa media sa press conference sa House of Representatives Huwebes ng hapon. Kuha ni VER NOVENO

541.66M Distributed Denial-of-Service attack sa website naharang ng Kamara

127 Views

NAHARANG ng Kamara de Representantes ang 5441.66 milyong Distributed Denial-of-Service o DDoS attack sa website nito.

Ayon kay House Secretary-General Reginald “Reggie” S. Velasco sa pagitan ng 8 at 9 ng umaga noong Marso 13 ay nagkaroon ng 53.72 milyong DDoS attack sa website ng Kamara. Galing umano ang pag-atake sa Indonesia, Amerika, Colombia, India, at Russian Federation pero maaari umanong hindi ito totoo dahil maaaring gumamit ng virtual private network upang maitago ang lokasyon ng mga hacker.

“And at 2:52 pm yesterday (Wednesday), a whopping 487.93 million attacks were also recorded, from sources in Tunisia, Thailand and Greece, which again may not be accurate, which brings the total amount of attacks to 541.66 million,” sabi ni Velasco.

Ayon kay Velasco matagumpay na naharang ng ICTS team ng Kamara sa pamamagitan ng Cloudflare service ang mga pag-atake.

Iniulat na umano ng Kamara sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangyari at patuloy ang ginagawang pagbabantay ng ICTS Team.

“We commend the ICTS Team for its nimble and perceptive handling of the DDoS attacks on the website. The Congress website has been under attack in the past from hackers, and we are grateful for a competent team of IT professionals who vigilantly repel these attacks,” saad pa ni Velasco.

“We call on the DICT to investigate these DDoS attacks and ascertain where they are really coming from, if they are local or foreign hackers or a collaboration of both. We must know the reason for these attacks, is it for money or for political reasons as they may have been contracted to destabilize our institution for whatever purpose,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Velasco na gumagawa ng hakbang ang Kamara upang matiyak na hindi makalulusot ang mga hacker.

“Lastly, we assure the people that the attacks have been repelled and put under control, and no further malicious activity on the website has been recorded. Makakaasa po kayo na mas matindi po ang ating resolve sa Kongreso kaysa sa mga hackers na gustong sirain ang ating website.”